IPRINISINTA ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian kasama ang mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) ang isang truck driver na nakuhanan ng video dahil na pagewang-gewang at mabilis nitong pagpapatakbo ng minamanehong truck sa kahabaan ng Sapang Bakaw, Brgy. Lawang Bato, Valenzuela na muntikan ng ikapahamak ng mga kasalubong na
motorista.Matapos ang masusing imbestigasyon, kasalukuyang nakakulong sa Valenzuela City Police Station ang nadakip na driver. EDGAR RABULAN