MANILA, Philippines – KAAGAD na pinakilos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang lahat ng kaugnay na mga ahensiya ng gobyerno matapos maranasan ang malakas na pagyanig dulot ng magnitude 7.0 na lindol sa General Santos City nitong umaga ng Lunes, Hunyo 8.
Sa isang kalatas, sinabi ng Pangulo na sanib-puwersa na ang Office of Civil Defense at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ginagawa ang disaster response at monitoring sa lahat ng apektadong lugar.
Sa katunayan, ipinag-utos ng Pangulo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kaagad na i-pre-position ang mga relief goods at tiyakin na nakahanda at operational ang mga evacuation centers.
Ang DPWH ay naka-standby para i-assess ang pinsala sa mga lansangan, tulay at mahahalagang imprastraktura at linisin ang mga ruta na kakailanganin para sa rescue and relief operations.
Ipinag-utos din ng Pangulo ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa mga apektadong lugar sa Mindanao ‘until further notice.’
“The safety of our children comes first. DepEd will coordinate with local government units on this,” ayon sa Pangulo.
“To our kababayans in the affected provinces, please heed the tsunami warning. Move to higher ground now. Do not wait. Your life is more important than anything left behind,” aniya pa rin.
“The national government is moving and we will not leave Mindanao behind. I am in constant communication with our regional offices and local chief executives on the ground,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
Asahan aniya na magbibigay ng updates ang pamahalaan habang tinutugunan ang situwasyon.
Sa ulat, ayon sa PHIVOLCS, ang lindol ay tumama 7:37 ng umaga ng Lunes, Hunyo 8, 2026.
Naramdaman ang mga sumusunod na intensity ng lindol sa mga sumusunod na lugar:
Intensity VII – CITY OF GENERAL SANTOS
Intensity VI – Palimbang, at Senator Ninoy Aquino, SULTAN KUDARAT
Intensity V – CITY OF DAVAO; City of Kidapawan, and Carmen, COTABATO; Bagumbayan, Kalamansig, at President Quirino, SULTAN KUDARAT; Sibuco, at Siocon, ZAMBOANGA DEL NORTE
Intensity IV – City of Mati, DAVAO ORIENTAL; Buug, ZAMBOANGA SIBUGAY; Caraga, Manay, at Tarragona, DAVAO ORIENTAL
Intensity III – CITY OF BUTUAN; Mainit, SURIGAO DEL NORTE; City of Dapitan, ZAMBOANGA DEL NORTE; Kumalarang, Vincenzo Sagun, ZAMBOANGA DEL SUR
Intensity II – City of Dipolog, Labason, Liloy, President Manuel A. Roxas, and Salug ZAMBOANGA DEL NORTE; Alicia, Ipil, Mabuhay, Olutanga, and Siay, ZAMBOANGA SIBUGAY; Molave, ZAMBOANGA DEL SUR; Abuyog, at Dulag, LEYTE; San Francisco, SOUTHERN LEYTE
Samantala, naitala ang mga sumusunod na instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity VII – City of Koronadal, SARANGANI; Santa Maria, DAVAO OCCIDENTAL
Intensity V – CITY OF DAVAO
Intensity III – Abuyog, LEYTE
Intensity II – San Francisco, SOUTHERN LEYTE; Dulag, LEYTE
Ang lindol ay tectonic in origin at may lalim na 10 kilometro.
Inaasahan ang matinding pinsala at mga aftershock kasunod ng lindol. KRIS JOSE