Home NATIONWIDE #WalangPasok sa M-7.0 na lindol sa Mindanao

#WalangPasok sa M-7.0 na lindol sa Mindanao

1
0

MANILA, Philippines – Kasunod ng magnitude 7.0 na lindol na yumanig sa malaking bahagi ng Mindanao ngayong Lunes, Hunyo 8 ay sinuspinde na agad ang pasok sa mga paaralan at trabaho sa ilang lugar.

Ipinag-utos na ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas ng paaralan, habang ang Kidapawan City ay nagsuspinde na rin ng pasok sa lahat ng antas sa mga paaralan at pasok sa mga opisina ng pamahalaan.

Sa anunsyo naman ng lokal na pamahalaan ng Davao City ay suspendido na rin ang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan, at pasok sa mga opisina ng pamahalaan sa lungsod ngayong Lunes dahil din sa epekto ng lindol. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here