Home NATIONWIDE Basilan camp binisita ni PBBM

Basilan camp binisita ni PBBM

MANILA, Philippines – Binisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Sabado, Marso 2, ang 64th Infantry Batallion (64IB) sa Basilan.

Ayon sa Presidential Communications Office, nanawagan si Marcos sa mga miyembro ng 64IB na siguruhing ligtas at mapayapa ang halalan sa 2025.

Pinuri rin ng Pangulo ang militar sa mahalagang gampanin nito na mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.

“With the 64th Infantry Battalion, we neutralized ASG threats, facilitated the surrender of 400+ firearms, and ensured peaceful 2023 elections,” ani Marcos.

Pinasalamatan niya ang mga tropa sa kanilang katatagan at lakas ng loob, kasabay ng pagsisiguro sa patuloy na suporta sa kanilang mga pamilya.

Bago rito ay sinaksihan ni Marcos ang simbolikong pagsira ng 400 illegal na armas kasama ang Bangsamoro Autonomous Government Officials, na itinurn-over ng mga dating rebelde sa pamamagitan ng kasalukuyang peace efforts.

Sa kanyang speech, sinabi ni Marcos na magsisikap ang pamahalaan na mailabas pa ang potential ng resource-rich agricultural hub na Basilan.

“Basilan’s new role is now the war against hunger,” ayon kay Marcos sa “Panabang si Kasanyangan” Peace Offering Ceremony sa Sumisip. RNT/JGC

Previous articleKuryente sa Panay fully restored na kasunod ng partial blackout – NGCP
Next article13 Vietnamese nationals na nagtatrabaho sa mga spa, health clinic inaresto ng BI