Home NATIONWIDE Kuryente sa Panay fully restored na kasunod ng partial blackout – NGCP

Kuryente sa Panay fully restored na kasunod ng partial blackout – NGCP

MANILA, Philippines – Naibalik na ang suplay ng kuryente sa mga lugar na naapektuhan ng partial blackout sa Panay Island.

Sa abiso, sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na alas-12:26 ng umaga nitong Sabado, Pebrero 2, “it fully restored all affected feeders in Panay Island and normalized transmission operations in the area.”

Nitong Sabado ng hapon, iniulat ng grid operator na nagkaroon ng unplanned shutdown sa Panay Energy Development Corporation (PEDC) units 1, 2, 3 na may capacity na 316 megawatts at ang nagpapatuloy na maintenance ng PCPC (135MW) ay nagdulot ng partial blackout sa Panay.

Naapektuhan din nito ang ilang customer sa Negros.

Sa kabila nito, naibalik naman ang suplay ng kuryente sa mga apektadong customer sa Negros alas-8:48 ng gabi ng Marso 1.

Batay sa pinakahuling power situation update, sinabi ng NGCP na 167.9 MW ang ginagamit ng Panay power plants, na sinusuportahan ng 102.4 MW mula sa ibang sources sa Visayas, sa kabuuang 270.3 MW.

Sinabi rin ng kompanya na ang PEDC units 1 at 2 ay naibalik sa kanilang 31.7% at 62.4% capacities.

“With the restoration of all affected loads, NGCP normalized transmission operations.”

“Specific cities/municipalities still with power interruptions may contact their local distribution utilities and electric cooperatives for details of restoration in their areas,” dagdag pa.

Matatandaan na noong Enero ay nakaranas ng malawakan at mahabang power outage ang Panay matapos na pumalya ang ilang power plants sa rehiyon. RNT/JGC

Previous articlePinsala sa Benguet forest fire inaalam pa – OCD
Next articleBasilan camp binisita ni PBBM