Home HOME BANNER STORY Pinsala sa Benguet forest fire inaalam pa – OCD

Pinsala sa Benguet forest fire inaalam pa – OCD

MANILA, Philippines – Inaalam pa ng Office of Civil Defense (OCD) ang lawak ng pinsala sa mga forest fire sa Benguet.

“We don’t have data as of yet, but hopefully in the coming days we will release… because we concentrate on responding and putting out the fires,” pahayag ni OCD Spokesperson Edgar Posadas.

Matatadaan na kamakailan ay tinamaan ng walong forest fire ang ilang lugar sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Sa bayan ng Tuba, nilamon ng forest fire ang bahagi ng Mount Santo Tomas, na muntik pang umabot sa vital installations ng communications, TV at radio equipment sa lugar.

Umabot din ang sunog sa karatig munisipalidad na Bokod.

Sa mahigit isang linggo matapos ang pagsiklab ng mga forest fire, sinabi ni Posadas na 14 lugar ang idineklara nang “fire out” habang apat ang fire under control.

“There are still two areas that we are monitoring so it will not spread further,” aniya.

Sinabi rin ng Philippine Air Force na plano nilang mag-cloud seeding sa lugar para maapula ang nagpapatuloy na mga forest fire sa Benguet. RNT/JGC

Previous articleAmihan, easterlies iiral sa bansa
Next articleKuryente sa Panay fully restored na kasunod ng partial blackout – NGCP