Home NATIONWIDE Amihan, easterlies iiral sa bansa

Amihan, easterlies iiral sa bansa

MANILA, Philippines – Makakaapekto ang northeast monsoon o amihan sa hilagang Luzon at easterlies naman sa nalalabing bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, magdadala ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan ang amihan sa Cagayan Valley at Apayao.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains naman ang mararanasan sa Ilocos Region, nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region, at Aurora dahil pa rin sa amihan.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm dahil sa easterlies at localized thunderstorm. RNT/JGC

Previous articleShowtime, papalit sa TP?
Next articlePinsala sa Benguet forest fire inaalam pa – OCD