Home ENTERTAINMENT Showtime, papalit sa TP?

Showtime, papalit sa TP?

Manila, Philippines- Sa darating pang December nakatakdang mag-expire ang kontrata ng Tape, Inc. which produces Tahanang Pinakamasaya sa GMA.

At dahil matagal pa ‘yon, anything can happen or is bound to happen.

Kaso, this early ay maugong na ang balitang ang time slot na babakantehin ng TP ay ibibigay daw sa It’s Showtime.

The latter airs on GTV, sister station ng GMA.

Obvious daw ang dahilan kung bakit kinukunsidera ang Showtime bilang kapalit ng TP.

Mas kumikita raw ito in terms of commercial load.

Maitatanong: bakit, ang TP ba’y hindi?

Hindi ba’t ang mga mismong hosts nito ang nagsasabing more than 30 minutes ang pumapasok na commercial load sa kanila araw-araw?

Dati-rati raw ay limitado ang pagsi-CR ng mga TP hosts dahil shortly after the break ay umeere agad sila uli.

Kunsabagay, between now and December ay baka pumik-up na ang commercial load ng TP.

And if it does happen, mananatili pa rin ito sa GMA.

As far as the network insiders are concerned, kung sakaling hindi naman matuloy ang paglipat ng Showtime mula sa GTV to GMA, pabor ‘yon sa huli as it can come up with a ststion-produced noontime show.

Mas lalaki pa nga raw ang iaakyat na revenues ng show na ‘yon than keeping a blocktimer. Ronnie Carrasco IIi

Previous articleGelli, napa-elibs kay Wilbert!
Next articleAmihan, easterlies iiral sa bansa