Home ENTERTAINMENT Gelli, napa-elibs kay Wilbert!

Gelli, napa-elibs kay Wilbert!

Manila, Philippines- Naging very vocal ang TV host na si Gelli re Belen sa kanyang pagkabilib sa pilantropong si Wilbert Lee.

Nu’ng una raw, ang akala niya ay ordinary congressman ito gaya ng ibang politiko.

Si Wilbert ay representative ng Agri Partylist.

Kaya naman aminado rin si Gelli na nu’ng una ay half-hearted siya na tanggapin ang pinakabagong public service program sa GMA7 na Si Manoy Ang Ninong Ko kung saan si Wilbert ang kasama.

“Nu’ng una kasi, tinanong ko talaga kung bakit ako sinasama sa programa. Tinanong ko rin king sino ang kasama at kung bakit may kasamang congressman.

“Pero nu’ng nalaman ko na marami ang matutulungan, ayun na, I want to be a part of the show.

“Nung nalaman ko na maganda ang advocacy ni Cong. Wilbert, game na ako.

“And habang tumatagal, habang nakikilala ko si Cong. Wilbert, e, napabilib niya ako dahil kitang kita namin kung gaano kalambot ang puso niya sa mga taong nangangailangan.

“Most of the time, out of his pocket ang inilalabas njya para lang makapagbigay at makapamahagi ng tulong sa mga taong lumalapit sa kanya at sa programa,” sabi pa ni Gelli.

Si Gelli ay nakapag-host na ng iba’t-ibang klaseng programa pero aminado siya na kakaiba ang Si Manoy Ang Ninong Ko.

“Medyo serious ako rito this time,” dagdag niya.

For one, na-realize ni Gelli na sa lahat ng problema, para masolusyunan, kailangan ng budget.

“Iba’t-ibang problema kasi ang idinudulog sa Si Manoy Ang Ninong Ko and may mga experts din kami na nag-aayos pagdating sa pagtulong sa mga tao,” sabi pa niya.

Si Sherilyn Reyes-Tan naman na isa sa mga co-hosts ay inaming lagi siyang umiiyak sa kanyang mga nawi-witness na pag-ayuda na ginagawa ni Cong. Wilbert.

“Umiyak ako sa lahat ng episodes like ‘yung sa Pangasinan, may walong nagpakamatay dahil sa utang. Meron ding may sakit na cancer tapos may anak na eight month old.

“Saka sa oapital, magmamasid-masid si acong. Wilbert at kapag may nakita na nahihirapan sa babayarin sa hospital bill, ayun, babayaran niya tapos aalis,” kwento ni Sherilyn.

Ang isa pa sa mga hosts na kasama sa programa ay si Patricia Tumulak.

Si Manoy ang Ninong Ko will feature real life stories of our kababayans that will surely inspire us to work hard, persevere in life, and never lose hope.

Whatever problems we are facing, we can get through it with a little help from the community and from our countrymen––who, deep down, care about others.

Ang public service program na Si Manoy ang Ninong Ko ay mapapanood na ngayong Sunday, 7PM, on GMA7. JP Ignacio

Previous articleBriefs ni JK, binenta online!
Next articleShowtime, papalit sa TP?