Home ENTERTAINMENT Briefs ni JK, binenta online!

Briefs ni JK, binenta online!

Manila, Philippines- Nakasanayan na ni JK Labajo na magpalit ng damit after every performance.

Aminado kasi ang in-demand singer na sobra siyang pawisin.

Kaya naman JK makes it a point na magbaon as many clothes sa tuwing sisipot siya para magtanghal.

Sa sobra nga niyang pagiging pawisin, nagbabaon din siya ng extra underwear.

Yes, ganoon ka-OA ang kanyang sweat glands!

Bale ba, dahil nagmamadali JK has this tendency na itambak ang kanyang mga pinagpawisang damit na hinubad.

Kasama na roon ang kanyang sweaty underwear.

Isang karanasang hinding-hindi malilimutan ng singer ay nang minsang mawala ang hinubad niyang briefs.

Nang mga sandali kasing ‘yon ay naghahanda na siyang mag-pack up.

Hanap daw siya nang hanap sa kanyang briefs, but his search was in vain.

Natuklsan na lang daw niya ito online.

Underwear pala niya ang ibinebenta sa online selling!

Ang come-on sa mga interested buyers ay pag-aari ‘yon ng singer.

Pero ang ikinawindang ni JK ay ang ginamit na “key selling point” ng nagbebenta to make brisk sales nga naman.

Sukat ba naman daw na ipagbanduhan ng online seller na ang kanyang briefs ay “never been washed”!

At ang lalo pa raw ikinagulat ni JK ay ang presyo nito na times 5!

In a way, kahit nawalan si JK ng personal na gamit ay “flattered” siya dahil oozing with sex appeal daw siya kahit hindi siya kilala bilang sexy actor. Ronnie Carrasco IIi

Previous articleBabaeng tulak timbog sa P5.5M shabu  
Next articleGelli, napa-elibs kay Wilbert!