Home METRO Babaeng tulak timbog sa P5.5M shabu  

Babaeng tulak timbog sa P5.5M shabu  

ILOILO CITY- Nasamsam ng mga pulis ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P5.5 milyon mula sa drug pusher sa isang buy-bust operation sa Barangay Daanbanwa, Estancia, Iloilo nitong Miyerkules.

Naaresto ang suspek, ang 44-anyos na si Jorene Boledo, matapos magbenta ng shabu sa isang undercover buyer.

Nakuhanan si Boledo ng kabuuang 810 gramo ng shabu.

Isinagawa ng Iloilo Police Provincial Office-Provincial Drug Enforcement Unit ang operasyon katuwang ang Estancia Municipal Police Station.

Sinabi ni Police Major Rolando Araño, IPPO spokesperson, na isa si Boledo sa major drug personalities na mino-monitor nila mula noong nakaraang taon.

Nagtago na ang suspek subalit muling lumitaw noong Enero.

Ayon kay Araño, hindi lamang nagsu-supply si Boledo ng shabu sa Estancia, kundi maging sa iba pang mga bayan sa northern Iloilo.

Kinukuha umano ni Boledo ang kanyang supply ng shabu mula sa Roxas City, Capiz.

“The successful operation conducted by the operating units underscores the unwavering commitment of law enforcement agencies in our region to combat illegal drug activities. We commend the dedication and bravery of our police officers involved in this operation,” wika ni Police Brig. Gen. Jack Wanky, Police Regional Office-6 director. RNT/SA

Previous article123 munisipalidad sa Pinas wala pang fire trucks
Next articleBriefs ni JK, binenta online!