MANILA, Philippines- May kabuuang 123 munisipalidad sa buong bansa ang wala pang fire trucks at stations, ayon sa tagapagsalita ng Bureau of Fire Protection (BFP) na si Fire Supt. Annalee Atienza, nitong Biyernes.
Kapag nakabili na ng karagdagang fire trucks, magha-hire ang BFP ng karagdagang tauhan base kay Atienza.
“For now, as of January, 123 municipalities do not have the service of the Bureau of Fire Protection, which means they do not have a fire truck and they do not have a fire station. There is just a fire prevention officer that implements the fire code,” aniya sa “Bagong Pilipinas Ngayon” public briefing.
Inilahad ng opisyal na ngayong 2024 ang simula ng implementasyon ng BFP modernization program, na tatakbo ng 10 taon.
Inaasahan din ng BFP ang iba pang kagamitan at sasakyan, tulad ng helicopters, base kay Atienza.
Nilagdaan ang Republic Act No. 11589 o ang BFP modernization ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2021. RNT/SA