Home NATIONWIDE Utang ng Pinas P14.79T na

Utang ng Pinas P14.79T na

MANILA, Philippines- Tumaas ang outstanding debt ng pamahalaan nitong Enero dahil sa mahinang piso at matapos umutang ng Marcos administration ng mas malaking halaga mula sa local creditors kumpara sa binayaran nitong maturing liabilities, batay sa Bureau of the Treasury (BTr) nitong Biyernes.

Base sa datos, umakyat ang state obligations ng 1.9 percent month-on-month sa P14.79 trillion hanggang nitong January.

Iniugnay naman ng BTr ang mas mataas na debt stock sa net issuance ng domestic securities at epekto ng peso depreciation.

Dahil dito, pumalo ang local debt, na kumakatawan sa 68.71 percent ng total pile, sa P10.16 trillion, mas mataas ng 1.44 percent.

Nauna nang sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto na balak ng Marcos administration na humiram ng kabuuang P2.46-trillion mula sa creditors sa bansa at sa abroad. RNT/SA

Previous articlePNP naghahanda na para sa 2025 elections
Next article123 munisipalidad sa Pinas wala pang fire trucks