Home NATIONWIDE PNP naghahanda na para sa 2025 elections

PNP naghahanda na para sa 2025 elections

MANILA, Philippines- Sa nalalapit na eleksyon sa susunod na taon, sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes na sinimulan na nito ang paghahanda para sa seguridad ng 2025 National and Local Elections sa gitna ng serye ng pag-atake laban sa local officials.

Inihayag ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na nakipagpulong na ang police officials kamakailan kay Chairperson George Garcia and Commissioner Aimee Ferolino ng Commission on Elections (Comelec).

“As to the security preparations po ng PNP dito sa nalalapit na 2025 mid-[term] elections ay nagsisimula na po tayo,” wika ni Fajardo sa isang press briefing.

“Noong February 21 to 23 ay nagkaroon na po ng mga meetings. ‘Yung technical working group ay nag-meeting na rin po with Comelec officials led by Chairman Garcia and Commissioner Ferolino diyan po sa Sofitel Hotel in preparation nga po dito sa 2025 elections,” dagdag niya.

Sa nasabing pulong, sinabi ni Fajardo na inilatag ng PNP ang ilang rekomendasyon sa Comelec na i-reclassify ang ilang areas of concern.

Kamakailan, naiulat ang serye ng mga pag-atake laban sa local government officials sa iba’t ibang bahagi ng bansa. RNT/SA

Previous articlePH gov’t, mga pamilya hinikayat: Reproductive health ituro sa mga kabataan
Next articleUtang ng Pinas P14.79T na