Home NATIONWIDE PH gov’t, mga pamilya hinikayat: Reproductive health ituro sa mga kabataan

PH gov’t, mga pamilya hinikayat: Reproductive health ituro sa mga kabataan

MANILA, Philippines- Sa pagtaas ng bilang ng mga nabubuntis na edad 10-14 sa Pilipinas, hinikayat ng isang organisasyon ang gobyerno at mga pamilya na magtulungan sa pagtuturo sa mga bata ukol sa kanilang mga karapatan at sa reproductive health.

Sa isang press release, nanawagan ang Save the Children Philippines sa gobyerno na gawing komprehensibo ang access sa sexual at reproductive health information at mga serbisyo.

Gayundin, umapela ito sa executive branch na magsagawa ng malawakang awareness-raising campaigns at palakasin ang health systems upang matiyak ang kaligtasan ng mga bata.

“Additionally, we encourage parents to engage in open and healthy conversations with their children about sexuality and reproductive health to empower them to make informed choices,” ani Save the Children’s Technical Adviser for Adolescent Sexual and Reproductive Health and Rights Shebana Alqaseer.

Nilalayon ng grupong isulong ang awareness sa early at unwanted pregnancies sa mga batang kababaihan sa papalapit na International Women’s Day.

Binanggit nito na noong 2022, naiulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 3,135kaso ng adolescent pregnancies, mas mataas ng 35% mula sa 2,320 noong 2021. 

“PSA has noted a concerning upward trend in teenage pregnancies under the age of 15 since 2017. Since then, the Philippines continues to have one of the highest teenage pregnancy rates in Asia,” anito.

Sa kasalukuyan, tinutulungan ng organisasyon ang mga ina at caregivers na matutong makipag-usap sa mga kabataan ukol sa sekswalidad at reproductive health sa pamamagitan ng Healthy, Empowered, and Responsible Teens o “HEART to Heart” program na ipinatupad sa buong bansa.

Ikinasa rin ng organisasyon ang Positive Parenting courses bilang bahagi ng ADDVOICE project.

Binigyang-diin pa ng Save the Children Philippines na ang tumataas na kaso ng adolescent pregnancy, na itinuturing nang national problem, ay hindi matutukoy sa iisang sanhi; sa halip resulta ito ng kombinasyon ng biological, social, at cultural factors.

Kabilang sa mga isyu sa adolescent sexuality at reproductive health ang mga sumusunod:

  • Maagang “sexual debut”,

  • Limitadong access sa komprehensibong sex information at edukasyon,

  • Hindi sapat na communication skills ng mga magulang, na itinuturing ng adolescents na isa sa “preferred sources” ng impormasyon ukol sa sexual reproductive health,

  • Kakulangan ng access sa family planning services,

  • Cultural practices na naghihikayat ng early union, at

Kawalan ng adolescent sexuality and reproductive health (ASRH) policies at implementasyon nito. RNT/SA

Previous articleMga magsasakang apektado ng El Niño aasistihan ng DA
Next articlePNP naghahanda na para sa 2025 elections