MANILA, Philippines – Magsisilbing acting mayor ng Davao City si Vice Mayor Baste Duterte sa gitna ng pagkakakulong ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands, ayon sa Commission on Elections.
Paliwanag ni Comelec Chairman George Garcia, na ang rule of succession ay ilalapat sa mga kaso ng elected local officials na pansamantalang hindi magagampanan ang kanilang tungkulin.
Samantala, sinabi ni Garcia na sa pag-upo sa tungkulin sa ika-12 ng tanghali ng Hunyo 30, ang mga lokal na halal na opisyal ay nasa hurisdiksyon na ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay Garcia, basta’t naiproklama na at wala namang kaso sa pending sa kanila– ang hurisdiksyon ay wala na sa Comelec.
Nanalo si Duterte bilang Davao City Mayor sa nagdaang May midterm elections na nakakuha ng 662,630 votes. Jocelyn Tabangcura-Domenden