MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan ang trough ng Low Pressure Area (LPA) at Southwest Monsoon (Habagat) sa ilang bahagi ng bansa ngayong Martes, Hulyo 1.
Huling namataan ang LPA sa layong 650 kilometro silangan ng Infanta, Quezon.
Makakaapekto ito ang Habagat sa Visayas, Mindanao, Central Luzon, at Southern Luzon.
Magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Bicol Region, Isabela, Quirino, Aurora, at Quezon dahil sa trough ng LPA.
Ang Metro Manila, Visayas, MIMAROPA, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, at nalalabing bahagi ng Central Luzon at CALABARZON ay makararanas naman ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa Southwest Monsoon o Habagat.
Samantala, ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa Habagat.
Habang ang nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms. RNT/JGC