MANILA, Philippines – Nakatakdang tumestigo ni Davao City Mayor Sebastian”Baste” Z. Duterte sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte hinggil sa ilang maanomalyang kontrta ng GenCorp Industries at Jollibee sa Davao City nang walang public bidding.
Pero, nitong Lunes pormal na humingi ng palugit si Duterte sa Senate Impeachment Court sa pagsusumite ng mga dokumentong kaugnay ng mga kontrata ng lungsod sa Gencorp Industries at Jollibee.
Kinumpirma ni Senate President at Presiding Officer Francis Escudero ang pagtanggap sa sulat ni Mayor Duterte na may petsang Setyembre 28, 2026.
Sa liham, humiling ang alkalde ng maikling extension hanggang Setyembre 29 o 30, 2026 para makumpleto ang pag-aayos ng mga subpoenaed records.
Ipinaliwanag ni Mayor Duterte na kailangan pa ng dagdag na oras ng lokal na pamahalaan upang lubusang makalap, ayusin, at i-authenticate ang mga transaksyon mula pa noong 2020 na itinuturing na “voluminous.”
Pero binigyang-diin din niya na sumusunod siya sa subpoena at haharap at sasaksi nang personal sa hukuman.
Tiniyak niya na ang paghingi ng palugit ay “in absolute good faith” at para lamang matiyak ang kumpleto at opisyal na mga tala.
Sa kaparehong pagdinig, inaprubahan ng Impeachment Court ang kahilingan ng House Prosecution Panel at nag-isyu ng mga subpoena sa mga sumusunod na testigo:
1. Atty. Kathy Florence M. Baldonado
Register of Deeds, Davao City
Petsa: Miyerkules, Sept. 30 at Huwebes, Oct. 1 at Biyernes, Oct. 2
Layunin: Magpatotoo at magsumite ng TCT No. 146-2024010775 Matina property ni Atty. Manases Carpio at iba pang kaugnay na deeds of conveyance.
2. Atty. Marco K. Pineda
Deputy Register of Deeds, Samal
Petsa: Miyerkules, Sept. 30 at Huwebes, Oct. 1 at Biyernes, Oct. 2
Layunin: Magpatotoo at magsumite ng TCT No. 142-2019013134 Samal property ni Atty. Manases Carpio, kabilang ang Kembali Coast records.
3. Atty. Ronel U. Buenaventura
Executive Director, AMLC Secretariat
Petsa: Huwebes, Oct. 1 at Biyernes, Oct. 2
Layunin: Magpatotoo tungkol sa mga opisyal na tala at findings ng AMLC na may kaugnayan sa Article II ng Articles of Impeachment.
Naka-schedule ang pagdinig ng Senate Impeachment Court sa mga petsang ito para sa pagpapakita ng mga ebidensya kaugnay ng mga alegasyon ng hindi naideklarang ari-arian at conflict-of-interest laban kay Vice President Sara Duterte. Ernie Reyes