Home NATIONWIDE Baste tatapatan ni ‘Bishop Rod’ bilang mayor ng Davao City sa 2025...

Baste tatapatan ni ‘Bishop Rod’ bilang mayor ng Davao City sa 2025 polls

244
0

MANILA, Philippines – Naghain ng Certificate of Candidacy (COC) si Rodolfo “Bishop Rod” Cubos ng Christ the Healer International Missions Movement para tumakbong mayor ng Davao City.

Makakalaban ni Cubos si Mayor Sebastian “Baste” Duterte.

“Many will say that this is an impossible task – impossible – that a servant leader like me cannot compete against seasoned politicians. Ito ‘yung iniisip namin but let us remember the story of David who defeated Goliath. The impossible became possible because faith and courage were stronger than fear and power,” pahayag ni Cubos.

Sinamahan ito ng mahigit 100 tagasuporta, kabilang ang kanyang pamilya, na naghain ng kanyang COC 9:48 ng umaga nitong Sabado, Oktubre 5 sa opisina ng Commission on Elections-Davao City sa Magsaysay Park.

“Tayong lahat nakikita natin ang nangyayari sa Davao. You can observe our surroundings. Sa akin lang, bagong Davao na pud. Pagbabago ang gusto natin,” sinabi pa ni Cubos said.

Kabilang sa plataporma ni Cubos ay ang libreng hospitalization sa Southern Philippines Medical Center at konstruksyon ng Botika ng Bayan sa lahat ng 182 barangay sa lungsod, libreng edukasyon, job opportunities, at public safety partikular na sa paglalagay ng mas maraming CCTV at pagpapabuti ng street lighting.

Palalakasin din ni Cubos ang disaster preparedness sa pamamagitan ng training barangay volunteers.

Dagdag pa niya, hindi naman siya kontra kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, ngunit sinabi ni Cubos na masyado na itong matanda para tumakbo bilang mayor ng lungsod.

Matatandaan na mahigit tatlong dekadang namuno ang mga Duterte sa Davao City. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here