Home NATIONWIDE 400K lumikas sa kaguluhan sa Lebanon – UN migration agency

400K lumikas sa kaguluhan sa Lebanon – UN migration agency

195
0

LEBANON – Aabot na sa 400,000 katao ang kinailangang lumikas sa bansang Lebanon makalipas ang dalawang linggong mga pag-atake ng Israel, sinabi ng International Organization for Migration (IOM) nitong Biyernes, Oktubre 4.

“People continue to flee the hostilities in Lebanon, many seeking safety in overcrowded shelters,” saad sa pahayag ng UN agency.

Dagdag pa, mahigit 165,000 indibidwal ang tumutuloy sa 906 collective shelters sa buong bansa.

Nanawagan naman ng international support ang IOM sa lumalalang humanitarian crisis sa pagsasabing, “With the needs growing, we call on the international community’s support to ensure the safety and dignity of displaced families.”

Ang giyera sa Gaza ay kumalat na sa Lebanon nang maglunsad ang Israel ng mga strike sa buong bansa noong nakaraang buwan.

Kumitil na ito sa buhay ng mahigit 1,000 katao at napatay din ang lider ng Hezbollah na si Hassan Nasrallah. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here