VIETNAM – Sumiklab ang sunog sa isang pabrika sa Lang Son province sa Vietnam nitong Biyernes, Oktubre 4.
Dahil sa naturang sunog ay natupok ang nasa 5,000 electric vehicles at mga component nito.
Ang pabrika ay pagmamay-ari ng DK Bike, na manufacturer ng electric bicycles at electric motorcycles, maging ang 50cc small-displacement motorcycles.
Wala namang naitalang nasawi sa sunog na nangyari sa labas ng working hours, ngunit halos tuluyang natupok na ang lahat ng mga sasakyan sa storage at karamihan ng mga makinarya sa planta.
Iniimbestigahan na ng Vietnamese police ang sanhi ng insidente. RNT/JGC