Home NATIONWIDE Romualdez sa mga botante: Maging alerto para makaiwas sa isa na namang...

Romualdez sa mga botante: Maging alerto para makaiwas sa isa na namang ‘Alice Guo’

182
0

MANILA, Philippines – Hinimok ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mga botante na manatiling alerto at suriin ang mga kandidato para sa 2025 polls para makaiwas sa isa na namang Alice Guo.

Sa pahayag ni Romualdez nitong Biyernes, Oktubre 4, sinabi niya na, “Please get to know the candidates, verify their qualifications, and proactively question any doubts that may arise.”

“We all share the responsibility of safeguarding our democracy, and by working together, we can prevent any recurrence of past issues,” dagdag ng House Speaker.

Nitong Huwebes, sinabi ng election lawyer na habang iniimbestigahan pa si Guo sa kaugnayan nito sa illegal Philippine offshore gaming operators ngunit hindi pa nahahatulan, maaari pa rin siyang tumakbo sa pwesto sa gobyerno.

Kaugnay nito, sinabi ng abogado ni Guo na plano nga nitong tumakbo para muling maging alkalde ng Bamban, Tarlac.

Umapela naman si Romualdez sa Commission on Elections (Comelec) na “rigorously” vet candidates at ipinanukala ang disqualification petitions bilang posibleng remedyo.

Nitong Sabado, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na tatanggapin pa rin ng komisyon ang certificate of candidacy ni Guo ngunit may grounds para madiskwalipika ito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here