MALABON CITY — Patay ang isang tatlong taong gulang na bata at ang kanyang yaya matapos masunog ang isang bahay sa Barangay Tinajeros nitong Lunes ng gabi, ayon sa Bureau of Fire Protection-NCR.
Kritikal naman ang lagay ng anim na taong gulang na batang kasama nila, na inilipat na sa isang ospital sa Maynila.
Naitala ang sunog bandang 11:54 p.m., umabot sa unang alarma alas-12:05 a.m., at naapula pagsapit ng 12:38 a.m. Martes. Labindalawang fire truck ang rumesponde.
Ayon sa residente, na-trap ang mga biktima sa loob. Nakita niya ang bata na nakahiga sa kutson at ang yaya na nakadapa sa ibabaw nito. RNT