Home NATIONWIDE Batang babae sa Australia tinamaan ng H5N1 bird flu – WHO

Batang babae sa Australia tinamaan ng H5N1 bird flu – WHO

AUSTRALIA – Nagpositibo sa H5N1 bird flu ang dalawang taong gulang na batang babae sa Australia, ayon sa World Health Organization nitong Biyernes, Hunyo 7.

“This is the first confirmed human infection caused by avian influenza A(H5N1) virus detected and reported by Australia,” saad sa pahayag ng WHO.

“Although the source of exposure to the virus in this case is currently unknown, the exposure likely occurred in India, where the girl had travelled, and where this group of viruses has been detected in birds in the past,” dagdag pa ng UN health agency.

Tinukoy ng WHO ang naturang virus na may “low” risk sa general population.

Ang bata ay may travel history sa Kolkata mula Pebrero 12 hanggang 29. Hindi ito nagkaroon ng exposure sa kahit na sinong may sakit na tao o hayop sa lungsod.

Bumalik ng Australia ang bata noong Marso 1 at inadmit sa ospital sa kasunod na araw.

Noong Marso 4, inilipat siya sa intensive care unit dahil sa lumalalang sintomas. Nakalabas naman ito ng ospital matapos ang dalawa at kalahating linggo.

Habang nasa ospital ay nagpositibo sa Influenza A ang bata. Nagpadala ng mga sample noong Abril para mas masuri pa ang uri ng sakit na tumama rito.

“Virus genetic sequence obtained from the samples confirmed the subtype A(H5N1)… which circulates in southeast Asia and has been detected in previous human infections and in poultry,” ayon sa WHO.

Magaling na ang bata at wala namang kamag-anak o pamilya nito ang nagkaroon ng sintomas ng bird flu. RNT/JGC