Home NATIONWIDE Pope Francis nalungkot sa poot dulot ng Israel-Hamas war

Pope Francis nalungkot sa poot dulot ng Israel-Hamas war

MANILA, Philippines – Ikinalungkot ni Pope Francis ang isang “poot” na inihasik ng digmaan sa pagitan ng Israel at mga militanteng Hamas sa Gaza na maaaring mag-udyok ng higit pang karahasan sa mga susunod na henerasyon, na inuulit ang kanyang mga panawagan para sa isang tigil-putukan at pagpapalaya sa mga bihag ng Israel.

“All this suffering, the brutality of war, the violence it unleashes and the hatred it sows even among future generations should convince us all that every war leaves our world worse than it was before,” sinabi ni Francis.

Ang kanyang mga komento ay minarkahan ang ika-10 anibersaryo ng panawagan para sa kapayapaan sa Holy Land ng dating pangulo ng Israel na si Shimon Peres at Mahmud Abbas, presidente ng Palestinian Authority, sa isang pulong ng Vatican noong Hunyo 2014.

“I think of all who suffer in Israel and Palestine: Christians, Jews and Muslims. I think of how urgent it is that from the rubble of Gaza a decision to stop the weapons will finally arise, and therefore I ask that there be a ceasefire,” sinabi ng Papa sa kanyang pahayag na inilabas ng Vatican.

“I think of the families and of the Israeli hostages and ask that they be released as soon as possible. I think of the Palestinian population and ask that they be protected and receive all necessary humanitarian aid.”

“All of us must work and commit ourselves to achieving a lasting peace, where the State of Palestine and the State of Israel can live side by side,” dagdag pa ni Pope Francis.

Oktubre 7 nang simulan ng Hamas ang pag-atake na nagresulta sa pagkamatay ng 1,194 katao, karamihan ay mga sibilyan, ayon sa tally ng AFP batay sa mga opisyal ng Israeli.

Binihag din ng mga militante ang 251 indibidwal, 120 sa kanila ay nanatili sa Gaza kabilang ang 41 na sinasabi ng hukbo na patay na.

Pumatay ng hindi bababa sa 36,731 katao sa Gaza, karamihan din ay mga sibilyan ang retaliatory military offensive ng Israel, ayon sa health ministry ng teritoryong pinapatakbo ng Hamas. Jocelyn Tabangcura-Domenden