Home METRO Batang lalaki lumutang sa sapa

Batang lalaki lumutang sa sapa

DAVAO CITY –NAGPALUTANG-LUTANG nang matagpuan ang bangkay ng batang lalaki na nawawala isang linggo na ang nakakalipas sa lungsod na ito.

Kinilala ang nasawi na si Nazareno Casas, 4-anyos at residente sa Purok 17 Bayanihan Wangan, Calinan, Davao City.

Batay sa report ng Davao-PNP, bandang alas-9:00 AM natagpuan ang bangkay ng bata sa sapa na sakop ng Purok 7, Los Amigos, Tugbok District.

Kwento ng residente, naglalakad siya sa nasabing lugar ng salubungin siya ng nakakasulasok na amoy.

Hanggang sa tumambad sa kanyang harapan ang nakalutang na bangkay ng bata.

Ayon sa ina ng biktima na si Lausa Emma, noong Mayo 24, 2023, bandang 5:00 PM ay naligo ang kanyang anak sa may tulay sa Bayanihan, ilang metro ang layo sa kanilang tahanan subalit hindi na ito nakauwi pa. Mary Anne Sapico

Previous articleJapanese bank interesado sa PH energy sector, MIF
Next articleCafgu patay sa kawatan