Home METRO Cafgu patay sa kawatan

Cafgu patay sa kawatan

MATALAM, Cotabato- DUGUAN bumulagta sa kalsada ang miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) matapos malapitang pagbabarilin ng hindi pa kilalang kawatan at tinangay ang bag ng una, sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Ariel Tanio Wacan, nasa hustong gulang at residente ng Barangay Valencia, Cotabato City.

Ayon kay P/Lt.Col. Arniel Melocontones, hepe ng Matalam PNP, bago ang krimen ay nakatayo ang biktima sa gilid ng kalsada sa residential area sa Matalam nang bigla na lamang itong lapitan ng suspek.

Dito, walang babalang pinagbabaril ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran kamatayan ni Wacan.

Matapos ang pamamaslang ay tinangay ng suspek ang dalang bag ng biktima saka tumakas sa hindi malamang direksyon.

Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa suspek para sa agaran ikadarakip nito. Mary Anne Sapico