Home NATIONWIDE Panukala sa pagtatag ng Natural Gas Industry umusad na sa Kamara

Panukala sa pagtatag ng Natural Gas Industry umusad na sa Kamara

MANILA, Philippines – Pasado na sa ikalawang pagbasa sa House of Representatives ang House Bill 8456 o panukalang pagtatag ng Philippine Downstream Natural Gas Industry Development Act na isa sa legislative priority ng Marcos administration.

Ayon kay House Committee on Energy Chairman Rep. Lord Allan Velasco ang pagsasabatas ng nasabing panukala ay mahalaga para palakasin ang paggamit ng natural gas na hindi lamang ligtas kundi mura at environment-friendly.

Ani Velasco, kulang ang bansa sa “framework” na magsisilbing batayan sa pagpapalabas ng sektor para sa natural gas kaya naman sa oras na maisabatas ang panukala ay mas mag-eenganyo ito ng investors.

“The lack of such clear policies is detrimental to the thrust of the Department of Energy to attract foreign investors to invest in our natural gas potentials or importation or transmission of the same,” paliwanag ni Velasco.

“The bill would promote the development of the Philippines as a liquefied natural gas trading and trans-shipment hub within the Asia-Pacific region,” dagdag pa nito.

Sa oras na maisabatas ang panukala ay bibigyan nito ng mandato ang Department of Energy na pangunahan ang operasyon at pagdevelop ng PDNGI gayundin ay pangangasiwaan ang regulasyon at konstruksyon ng natural gas pipelines para sa transmission, distribution at supply ng natural gas.

Ang Energy Regulatory Commission(ERC) naman ang magtatakda ng rates para sa natural gas. Gail Mendoza

Previous articleCafgu patay sa kawatan
Next article‘Betty’ humina; signal warning, kinalos ng PAGASA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here