Home NATIONWIDE ‘Betty’ humina; signal warning, kinalos ng PAGASA

‘Betty’ humina; signal warning, kinalos ng PAGASA

MANILA, Philippines- Kinalos ng state weather bureau PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal warning sa bansa sa patuloy na paghina ni Severe Tropical Storm Betty nitong Huwebes ng umaga.

Sa abiso, sinabi ng PAGASA na inaasahang lalabas si Betty, dating super typhoon na may international name na Mawar, sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Huwebes ng hapon.

Hanggang nitong alas-10 ng umaga, namataan si Betty 570 kilometers northeast ng Itbayat, Batanes na may maximum sustained winds na 100 kilometers per hour (km/h), gustiness hanggang 125 km/h, at central pressure na 980 hPa.

Magdudulot naman ang Southwest Monsoon na pinalakas ni Betty ng occasional to frequent wind gusts sa northern Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, MIMAROPA, Western Visayas, Northern Samar at sa northern portion ng Samar.

Nagbabala ang PAGASA sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

Dahil kay Betty at sa Southwest Monsoon, epektibo pa rin ang marine gale warning sa northern seaboards ng Northern Luzon, eastern seaboard ng Luzon, at sa western seaboard ng Southern Luzon, ayon sa PAGASA. RNT/SA

Previous articlePanukala sa pagtatag ng Natural Gas Industry umusad na sa Kamara
Next articleNegOr Gov. Carlo ‘Guido’ Reyes na humalili kay Roel Degamo, pumanaw na