Home METRO NegOr Gov. Carlo ‘Guido’ Reyes na humalili kay Roel Degamo, pumanaw na

NegOr Gov. Carlo ‘Guido’ Reyes na humalili kay Roel Degamo, pumanaw na

708
0

BACOLOD CITY- Pumanaw na si Negros Oriental Gov. Carlo Jorge Joan “Guido” Reyes nitong Miyerkules ng umaga.

Humalili sa kanya si Vice Gov. Manuel Sagarbarria noong hapon, ilang oras kasunod ng kanyang pagpanaw.

Kinumpirma ni Karen Lisette Molas, provincial administrator, ang pagkamatay ni Reyes sa Facebook account ng provincial government.

Sinabi ni Molas na ipinagbigay-alam sa kanya ni Guihulngan City Vice Mayor Eunica Reyes sa pamamagitan ng phone call ang pagpanaw ng gobernador.

Namatay ang 62-anyos na si Reyes dahil sa terminal illness sa isang ospital sa Metro Manila.

Subalit, sinabi ni Molas na hindi siya binigyang-awtorisasyon ng pamilya ng gobernador na magbigay ng detalye hinggil sa sakit at pagpanaw ng politiko.

Nanumpa si Sagarbarria bilang gobernador sa harap ni Negros Oriental Regional Trial Court Executive Judge Gerardo Paguio.

Si Sagarbarria ang naging vice governor matapos pumalit si Reyes kay Gov. Roel Degamo na pinatay sa kanyang tahanan sa Pamplona, Negros Oriental noong March 4.

Nahalal si Reyes bilang vice governor noong May 2022 elections, bilang kaalyado ni Degamo. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here