Home NATIONWIDE Batang nasa viral vid ng sekyu, bibigyan ng psychological support ng DSWD

Batang nasa viral vid ng sekyu, bibigyan ng psychological support ng DSWD

MANILA, Philippines – Nakahandang magbigay ng psychosocial support ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa batang estudyante na nasa viral video na sinasaktan ng security guard.

Kaugnay nito, agad na inatasan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang Field Office – National Capital Region upang hanapin at lapitan ang pamilya ng batang menor de edad na nagtitinda ng sampaguita sa harap ng SM Megamall sa Mandaluyong City para sa agarang tulong na maibibigay ng ahensya partikular na ang psychosocial support.

“We do not tolerate hurting a child. We will seek out the child and her family in order to provide psychosocial support and other possible interventions to keep her out of the streets selling sampaguita,” ani Secretary Gatchalian.

Nagbigay din ng direktiba ang DSWD chief sa FO-NCR na makipagusap sa SM management para sa posibleng pagbibigay ng assistance upang gabayan at mabigyan ng training ang mga empleyado nito kung paano i-trato ng tama ang mga bata .

“We will also be looking for the concerned security guard to lecture him on how to treat children kindly so we can prevent similar incidents of manhandling from happening again,” sabi pa ni Gatchalian.

Samantala, sa pahayag naman ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, sinabi nito ang katiyakan na mabigyan ng proteksyon ang mga bata laban sa lahat ng anyo ng pangaabuso.

“It takes a village to raise a child. Kaya kasama ang family and immediate community na dapat nagbabantay sa mga bata,” sabi ni Asst. Secretary Dumlao. Santi Celario