Home SPORTS Batang Pinoy 2025 sisipa na

Batang Pinoy 2025 sisipa na

334
0

NAKATAKDANG magbukas ngayong Sabado ang bakbakan sa pagitan ng mga pinakamagagaling na batang atleta sa pagsiklab ng 2025 Batang Pinoy sa General Santos City.

Pangungunahan ni Philippine Sports Commission Chairman Patrick “Pato” Gregorio at iba pang guests ang opening ceremony ng taunang event na unang ginanap noong 1999 sa Bacolod.

Kahapon, libo-libong atleta na nagmula sa iba’t-ibang lungsod ng bansa ang dumagsa sa tinaguriang Tuna Capital of the Philippines para sumabak sa isang linggong bakbakan sa Batang Pinoy na nakatakda mula Oktubre 25 hanggang 31.

Magsasagupa ang batang atleta na may maximum age na 17 sa 27 sports decipline – aquatics, archery, arnis, athletics, badminton, basketball (3×3), boxing, chess, cycling, dance sports, futsal, gymnastics, jiu jutsu, judo, kickboxing, karate, muaythai, pencak silat, sepak takraw, soft tennis, table tennis, taekwondo, tennis, volleyball (beach), weightlifting, wrestling at wushu.

Nagpahayag naman ng kahandaan ang Pasig City na ipagtanggol ang kanilang overall championship crown at nagpadala ng 675 atleta, bukod pa ang 162 na coach at 34 na opisyal ng delegasyon at support team.

Noong nakaraang edisyon ng Batang Pinoy humakot ang Pasig ng 105 ginto, 64 pilak, at 116 tansong medalya para maiuwi ang overall championship na karangalan.

Nagpadala naman ang Bacolod City ng 166-member delegation at ibibida ang kanilang kagustuhan na mag-host  ng 2026 edisyon ng Batang Pinoy.

Ibabandera ng Davao City ang 713 miyembro ng delegasyon na dumating sa venue sakay ng 13 bus at 10 van.

Aabot naman sa 206 atleta ang dala ng Lapu-Lapu City, Cebu at 270 atleta naman ang magpapasiklab para sa Lungsod ng Maynila.RICO NAVARRO

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here