Home METRO Surprise drug test isinagawa ng PPA bilang paghahanda sa Undas 2025

Surprise drug test isinagawa ng PPA bilang paghahanda sa Undas 2025

272
0

MANILA, Philippines – Bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga pasahero at kargamento sa Undas 2025, ang Philippine Ports Authority (PPA) ay nagsagawa ng surprise drug test sa kanilang mga kawani sa head office nito sa Port Area, Manila.

Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, kailangang magkaroon ng drug-free workplace upang mapanatili ang ligtas at maayos na operasyon sa mga pantalan sa buong bansa.

Sumailalim sa pagsusuri ang nasa 770 kawani na isinasagawa na taon-taon mula pa noong 2016 bilang suporta sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Ang mga magpopositibo ay sasailalim sa confirmatory test, counseling, at posibleng aksyong administratibo alinsunod sa patakaran ng Civil Service Commission at PDEA.

Upang matiyak naman ang kaligtasan ng mga pasahero, iba pang kawani at gumagamit ng pantalan, binigyang-diin ni Santiago ang zero-tolerance policy ng ahensya laban sa paggamit ng ipinagbabawal na droga .

Inaasahang mas maraming pasahero ang maitatala ngayong darating na Undas 2025 kumpara noong nakaraang taon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here