MANILA, Philippines – Pinangalanan ni Ombudsman Crispin Remulla si Benguet Rep. Eric Yap bilang ‘person of interest’ kaugnay sa fully paid ngunit hindi natapos na flood control projects sa La Union ng isang kumpanyang dati niyang pag-aari.
Sinabi rin ni Remulla na ang kapatid ni Yap na si Edvic ,isang kinatawan ng ACT-CIS party-list sa Kamara,at Bulacan Rep.Salvador Pleyto ay nakatanggap ng pera sa pamamagitan ng mga bank transfer mula sa mga contractor na sina Curlee at Sarah Discaya na ang mga kumpanya ay na-link sa ghost at substandard na mga proyekto sa pagkontrol sa baha.
Ginawa ni Remulla ang pahayag nang maghain ng reklamo ang DEpartment of Public Works and Highways sa Ombudsman laban sa 21 DPWH officials at dalawang contractors sa flood cntrol projects sa La Union at Davao Occidental na nagkakahalaga ng kabuuang P276 milyon.
Ito ay P96.5 miyong halaga ng mga ghost project sa Davao Occidental at dalawang yugto ng hind natapos na flood control projects sa La Union na nagkakahaalga ng P89.7 milyon bawat isa.
Ang contactor sa Davao Occidental project ay St.Timothy Construction na pag-aara ni mag-asawang Discaya habang ang contractor para sa La Union project ay Silverwolves Construction.
Si Yap ay angsilbing chairman ng House COmmittee on Appropriatiosn mula 2020 hanggang 2022.
Ayon kay Remulla, naatanggap siya ng impormasyon mula sa Anti-Money Laundering Council sa money transfer kay Edvic Yap at Pleyto. Jocelyn Tabangcura-Domenden