Home NATIONWIDE Batangas gubernatorial candidate dumipensa sa pahayag na laos na si Vilma Santos

Batangas gubernatorial candidate dumipensa sa pahayag na laos na si Vilma Santos

MANILA, Philippines – Dumipensa si Batangas gubernatorial candidate Jay Ilagan at sinabi ang kanyang karapatan sa pamamahayag, kasunod ng viral video nito laban kay Vilma Santos-Recto na kalaban nito sa politika.

Matatandaan na pinagpapaliwanag ng Task Force Safe ng Commission on Elections (Comelec) si Mataas na Kahoy vice mayor sa kanya umanong ‘discriminatory remark.’

“Kung ang aking kalaban ay si Kathryn Bernardo pero ang aking kalaban ay isang Vilma Santos lang na laos na. Hindi ako takot. Kung sa Kathryn Bernardo at si Andrea Brillantes ay takot ako. Pero Vilma Santos, marami naman sa mga fans niya ang namamahinga na rin ang iba rin naman ay syempre nasa edad yan. At saka lagi ang sasabihin ko sa inyo ay iba ang governor na nahihipo…,” sambit ni Ilagan sa kanyang campaign rally noong Marso 29.

Sinabi ng task force na ang kanyang pahayag ay posibleng paglabag sa Comelec Resolution No. 11116 o Anti-Discrimination and Fair Campaigning Guidelines para sa 2025 elections, partikular sa ilalim ng election offense ng diskriminasyon laban sa mga kababaihan at gender-based harassment.

Sumagot si Ilagan at sinabing, “[n]o election offense or petition for disqualification be initiated, as the statements in question do not violate Resolution No. 11116 or any provision of the Omnibus Election Code.”

Dagdag pa niya, walang kasamang sexual remark o bastos na biro ang kanyang komento, at wala ring maituturing na psychological threats.

Sinabi rin nito na wala ring pagbabawal sa karapatan o oportunidad batay sa kasarian o edad.

Ani Ilagan, ang paggamit ng salitang “laos” ay ginamit niya na may kinalaman sa ‘political and pop culture relevant’ at hindi sa personal na dignidad o kasarian.

Hiniling din nito ang dismissal ng naturang isyu “in the interest of fairness, equity, and due respect for constitutionally protected political expression.” RNT/JGC