CHINA – Sinabi ni China Commerce Minister Wang Wentao sa pinuno ng World Trade Organization na ang taripa ng US ay magdudulot ng masamang epekto sa mga mahihirap na bansa.
Matatandaan na nagpapataasan ng taripa ang Washington at Beijing na nagdudulot ng pangamba ng lumalalang trade war sa pagitan ng dalawang malalaking ekonomiya.
Nagbabala ang mga ekonomista na ang pagkaantala sa kalakalan sa pagitan ng US at China ay magpapataas sa presyo ng mga produkto at maaaring magdulot pa ng global recession.
“These US ‘reciprocal tariffs’ will inflict serious harm on developing countries, especially the least developed countries, and could even trigger a humanitarian crisis,” sinabi ni Wang kay WTO chief Ngozi Okonjo-Iweala.
“The United States has continuously introduced tariff measures, bringing enormous uncertainty and instability to the world, causing chaos both internationally and domestically within the US,” dagdag pa ni Wang.
Nitong Biyernes, sinabi ng Beijing na ang 125 percent na taripa nito sa mga produkto mula sa US ay ipatutupad araw ng Sabado, na katapat naman sa 145 percent na taripang ipapataw ng US sa mga produktong Chinese. RNT/JGC