Home METRO Batangas, naghigpit ng hakbang laban sa karahasan sa mga paaralan

Batangas, naghigpit ng hakbang laban sa karahasan sa mga paaralan

4
0

BATANGAS, Philippines – Nagpulong ang Batangas Provincial Council for the Protection of Children (PCPC) noong Lunes upang palakasin ang mga hakbang laban sa karahasan sa mga paaralan matapos ang sunod-sunod na insidente sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Pinangunahan ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto ang pulong kasama ang mga opisyal ng DepEd at PNP upang bumuo ng mas malawak na programa para sa kaligtasan ng mga estudyante. Ayon sa provincial government, ikinababahala ng gobernador ang pagdami ng mga insidente ng karahasan na sangkot ang mga kabataang edad 14 hanggang 15.

Bubuo ang lalawigan ng isang speakers’ bureau na binubuo ng PCPC, DepEd, Parents-Teachers Associations (PTAs), at PNP upang magsagawa ng information campaign sa mga paaralan.

Ayon sa pulisya, kabilang sa mga posibleng dahilan ng karahasan sa paaralan ang Nihilistic Violent Extremism (NVE), panonood ng mararahas na online content at gaming, kapabayaan ng magulang, at pagtaas ng kaso ng bullying.

Kasunod ito ng umano’y online shooting threat sa Batangas City Integrated High School (BCIHS), kung saan pansamantalang sinuspinde ang klase. Natukoy ng mga awtoridad ang isang child in conflict with the law (CICL) bilang person of interest at isinailalim sa assessment ng City Social Welfare and Development Office. Nagbalik na ang regular na klase nitong Martes matapos ideklarang ligtas ang paaralan at magtalaga ng karagdagang mga pulis habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here