Home SPORTS Batangas swak sa MPBL South finals

Batangas swak sa MPBL South finals

Umabante na sa MPBL Finals ang Batangas Tanduay Rum Masters matapos talunin sa MPBL South Division Finals ang South Cotabato Warriors, 73-63, noong Huwebes sa do-or-die Game 3 sa loob ng punong Batangas City Coliseum.

Nablangko ng Rum Masters ang Warriors ng mahigit apat na minuto sa simula ng fourth para lumikha ng 61-53 separation, isang lead na hindi nila binitiwan para makabalik sa division finals.

Pinangunahan nina John Ambulodto at Levi Hernandez ang opensa ng Batangas na tumama sa high gear sa second half.

Nagposte si Ambulodto ng 18 puntos at pitong rebounds para makakuha ng best player honors kay Hernandez, na nagtala ng 16 puntos, limang rebounds at dalawang steals.

Nagdagdag sina Cedric Ablaza at Jong Baloria ng tig-12 at tig-siyam para sa Batangas.

Nagsimula nang malakas ang Warriors sa back to back triples mula kina Mark Cruz at Marwin Dionisio na nagtulak sa mga Warriors sa 23-9 abante, isang abante na pinahaba nila sa 15, 30-15, bago sinimulan ng mga host ang kanilang pagbabalik para mag-book ng showdown sa Quezon Province simula ngayong Sabado, alas-7 ng gabi sa Quezon Convention Center sa Lucena City.

Pinuri ni Batangas Coach Cholo Villanueva ang kanyang mga ward sa pagiging “resilient” at sinabing ang tagumpay ay “testament to our consistency and winning culture,” na tumutukoy sa pang-anim na sunod na MPBL playoffs ng Rum Masters.