Home METRO Batas na magpapalakas sa ICI, hinimok ni Cong. Erice

Batas na magpapalakas sa ICI, hinimok ni Cong. Erice

272
0

MANILA, Philippines – Hinimok ni Caloocan City 2nd district Congressman Edgar Erice si Pangulong Marcos na magpatawag ng special session ang kongreso upang makapagpasa ng batas na magbibigay ng sapat na kapangyarihan sa Independent Commission on Infrastructure (ICI) na nagsasagawa ng imbestigasyon sa mga maanomalyang proyekto.

Ang aksyon ni Erice ay kasunod ng umano’y pagtanggi ng mag-asawang Discaya na makipagtulungan pa sa isinasagawang imbestigasyon ng ICI.

Ayon sa mambabatas ang ICI ay nilikha sa pamamagitan ng executive order na umano’y hindi sapat o kulang ang kapangyarihan upang obligahin ang sinomang pribadong indibidwal o institusyon na makipagtulungan sa nasabing imbestigasyon.

Ayon pa kay Erice kung wala umanong maipapasang batas para mabigyan ng sapat na kapangyarihan ang ICI ay wala ring mangyayari sa nasabing imbestigasyon.

Mas maipapakita din umanong independent at mas mapapalakas ang nasabing komisyon kung may pinanghahawakang batas di tulad umano sa kasalukuyang sistema na madali itong buwagin at maaaring masira ang mga ebidensya.

Idinagdag pa ni Erice na sa pamamagitan ng maipapasang batas mas magiging kapani-paniwala pa sa mga mamamayan ang isinasagawang imbestigasyon. Rene Manahan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here