Home NATIONWIDE Batas sa pagsusulong ng development agenda ng PH pinapaspasan ng Senado –...

Batas sa pagsusulong ng development agenda ng PH pinapaspasan ng Senado – Escudero

214
0

MANILA, Philippines- Tiniyak ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na pabibilisin pa ang lahat ng panukalang batas na magsusulong ng development agenda ng Pilipinas na makatutulong sa gobyerno na protektahan ang bansa, palakasin ang pamuhunan at paangatin ang pamumuhay ng Pilipino.

Sinabi ni Escudero na nakatakdang pabilisin ng Senado ang legislative productivity nito sa ikatlong regular sesyon ng 19th Congress.

Aniya, umabot na sa 72 panukala ang naisabatas sa kahalating panahon ng regular session, itutuon ng Senado ang pagpapabilis sa key legislative priorities, na tumutukoysa pagsusulong ng development goals ng administrasyong tulad ng pangangalaga ng soberanya ng Pilipinas, himukin ang pamuhunan at pagandahin ang pamumuhay ng mamamayan.

“We maximized every session day, passing 108 bills in total. Of these, 72 have been enacted into law, including 11 priority measures from the Legislative-Executive Development Advisory Council,” ayon kay Escudero sa news release.

Kabilang dito ang mga sumusunod: Archipelagic Sea Lanes Act; CREATE MORE Act; Amendments to Rice Tariffication Law; Anti-Agricultural Economic Sabotage Act; Anti-Financial Accounts Scamming Act; Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act; Philippine Maritime Zones Act; Academic Recovery and Accessible Learning Program Act; Enterprise-Based Education and Training Framework Act; Blue Economy Act; at New Government Procurement Act.

Tinukoy din ni Escudero ang isyung inimbestigahan ng Senado na may malaking epekto sa lehislasyon na hindi lamang naging public forum.

“Our hearings and probes led to laws that will serve Filipinos for generations,” aniya.

Pinasalamatan pa ni Escudero ang kasamahang mambabatas at Senate staff sa kolektibong pagkilos upang makamit ang mithiin ng Senado.

“Our time and effort are for the country. I hope this dedication is remembered,” wika niya.

“Our 23 senators, though diverse, are stronger together,” dagdag niya.

Sa third regular session mula July 23 hanggang Dec. 18, pinagtibay ng Senado ang 108 bills, na mas mataas kumpara sa nakamit ng unang dalawang sesyon.

Umabot sa 44 panukalang batas na naisalang na sa Office of the President kabilang ang 2025 General Appropriations Bill, habang pito ang nakasalang pa sa conference committees.

Pinagtibay din ng Senado ang 106 simple resolutions at siyam na concurrent resolutions.

“We ensured that each bill met the highest standards of constitutionality and relevance,” ayon kay Escudero na tinutukoy ang pagbabalanse sa pagitan ng kalidad at kuwantidad. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here