Home NATIONWIDE BFP naka-red alert ‘gang Jan. 2, 2024

BFP naka-red alert ‘gang Jan. 2, 2024

MANILA, Philippines- Nasa ilalim ng red alert o full alert status ang Bureau of Fire Protection (BFP) hanggang January 2, 2025.

“Code Red po meaning red alert status po ang buong pwersa ng BFP. Wala po munang naka leave at lahat po ay naka antabay sa kung ano man pong responde ang kailangan natin,” pahayag ni BFP-Public Information Service chief Annalee Atienza sa isang panayam.

Sinabi ni Atienza na nakapagtala ang BFP ng 800 fire incidents nitong Disyembre, mas mababa kumpara sa 1,204 fire incidents na naitala noong December 2023.

Aniya, karamihan ay nasa residential areas.

“Bagamat mababa ay meron pa rin po tayong mga insidente. Kaya patuloy pa rin po ang ating pag hikayat sa community, lalo na ilang araw na lang po ay celebration na ng ating New Year,” wika ng opisyal.

Pinayuhan din ni Atienza ang publiko laban sa paputok, partikular sa mga nasa residential areas.

“‘Yan po ang standing order ng DILG. Hinihikayat ang ating local government units na mag-pasa ng ordinansa po na ipagbawal totally ang pag gamit ng firecrackers within residential areas,” aniya.

“Instead, mag-join na lang po sa designated fireworks display areas kung saan nandoon po, may mga concerns, may mga festivities, at may mga countdown,” patuloy ng opsiyal.

Hinikayat naman niya ang paggamit ng mga pampaingay tulad ng  noise torotot at videoke.

“At kung sakali nga po muli tayo ay kailanganin, i-dial po nila ang 911 bago po mag vlog o mag video,” sabi pa niya. RNT/SA