Home NATIONWIDE Batas sa party-list groups nais i-overhaul ng Comelec

Batas sa party-list groups nais i-overhaul ng Comelec

MANILA, Philippines- Plano ng Commission on Elections (Comelec) na i-overhaul ang batas patungkol sa lalahok na party-list sa susunod na halalan sa bansa.

Kasunod din ito ng target ng komisyon na ipagbawal ang paggamit ng pangalan ng teleserye o ayuda bilang pangalan ng party-list.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, naniniwala silang napapanahon na para baguhin ang batas patungkol sa party-list para mapigilan ang ilang poliical clan o pamilya na gawing extension ang isang party-list.

Paliwanag ng opisyal, sigurado aniya siya na hindi kakatigan ng Korte Suprema kung Comelec lang ang mag-uutos nito.

Aminado si Garcia na hindi basta-basta nalalaman ng Comelec ang mga mismong nominee ng isang party-list sa accreditation pa lamang.

Ayon kay Garcia, sa tuwing magsisimula ang accreditation ng isang party-list, ma susumite ang mga ito ng temporary nominees.

Dahil aniya ayon sa batas, sapat na ang iisang adbokasiya para maging nominee ng isang party-list ay napapalitan ito ng mga personalidad na konektado sa political groups.

Dahil dito ay naniniwala si Garcia na panahon na para i-overhaul ang party list law. Jocelyn Tabangcura-Domenden