Home METRO 3 kelot patay sa sinalubong na trak

3 kelot patay sa sinalubong na trak

NEGROS OCCIDENTAL- Patay ang tatlong lalaki matapos sumalpok sa kasalubong na trak ang sinasakyan nilang motorsiklo, iniulat kahapon sa Kabankalan City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rico Ian Samanero, 26, driver ng motorsiklo, angkas na sina Robin Causapin,19, at Jomel Hamaybay, 21, pawang mga residente ng Barangay Tampalon, ng nasabing lungsod.

Ayon kay Police Captain Sammy Gasataya, deputy chief of police ng Kabankalan City Police Station, bandang alas-9:40 ng hapon noong Sabado naganap ang insidente sa crossing ng Cabanyohan, Barangay Tampalon, ng nabanggit na lungsod.

Sugatan naman ang driver ng truck na si Gerardo Makilan, 40-anyos, residente ng Purok 2, Brgy Locotan, Kabankalan City.

Lumabas sa imbestigasyon, lasing umano ang mga biktima matapos dumalo sa isang pista at pauwi na nang maganap ang insidente.

Mabilis umano ang patakbo ng motorsiklo ni Rico at pagdating sa pababang bahagi ng kalsada ay nawalan na ito ng kontrol sa manibela dahilan para sumalpok sa kasalubong na trak.

Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima na walang suot na helmet na naging sanhi ng kanilang kamatayan. Mary Anne Sapico