Home NATIONWIDE Inflation sa Nobyembre, posibleng umakyat sa mahigit 8% — BSP

Inflation sa Nobyembre, posibleng umakyat sa mahigit 8% — BSP

1
0

MANILA, Philippines – Posibleng umakyat sa mahigit 8% ang inflation rate sa bansa ngayong Nobyembre, batay sa pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa month-ahead projection nito, sinabi ng BSP na maaaring pumalo sa 7.2% hanggang 8.2% ang inflation para sa Nobyembre 2026.

Mas mataas ang pinakamataas na posibleng antas na ito kumpara sa 7.8% inflation na naitala noong Oktubre.

Ayon sa BSP, maaaring magdulot ng dagdag-presyon sa presyo ang pagtaas ng singil sa kuryente at presyo ng liquefied petroleum gas o LPG.

“Higher electricity rates and LPG prices could put upward pressure on prices,” ayon sa BSP.

Gayunman, posibleng makatulong naman ang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa upang maibsan ang epekto nito.

Maaari ring bumaba ang presyo ng mga pangunahing produktong agrikultural gaya ng bigas, gulay, karne at isda dahil sa magandang kondisyon ng suplay.

“Favorable supply conditions could also bring down the prices of key agricultural commodities such as rice, vegetables, meat, and fish,” ayon sa BSP.

Sinabi ng central bank na patuloy nitong susubaybayan ang mga bagong datos, partikular ang inflation at paglago ng ekonomiya.

“It will continue to assess the impact of the latest developments in the Middle East on the country’s inflation and economic outlook,” ayon sa BSP. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here