Home NATIONWIDE 16,000 bagong teaching positions lilikhain

16,000 bagong teaching positions lilikhain

165
0

MANILA, Philippines- Sinabi ng Malakanyang na ang paglikha ng 16,000 bagong teaching positions para sa School Year 2025-2026 ay tugon sa kakapusan sa silid-aralan, bawasan ang trabaho ng mga guro at gawing mahusay ang kalidad ng pagtuturo sa pampublikong eskwelahan.

Ito ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang matapos na ianunsyo ng Department of Budget and Management (DBM), araw ng Linggo, May 18, ang pag-apruba sa bagong teaching slots bago pa magsimula ang susunod na school year sa June 16.

Ang hakbang ayon kay Castro ay bahagi ng mas malawak na pagtulak na palakasin ang education system sa bansa at tiyakin na ang mga guro ay maaaring higit na tumutok sa mga indibidwal na mag-aaral.

“Ang nais po ng Pangulo ay mabigyan po ang bawat estudyante, matutukan po ng kanilang guro para po mas maging maganda ang kanilang pagsasanay at pag-aaral,” ang sinabi ni Castro.

Naglaan ang gobyerno ng P4.19 bilyon sa ilalim ng built-in appropriation ng Department of Education (DepEd) sa 2025 General Appropriations Act (GAA) para pondohan ang pagkuha ng mga bagong guro.

Ito rin ay isang makabuluhang pagtaas mula sa nakaraang taunang average na 10,000 teaching posts sa panahon ng termino ni Vice President at dating DepEd Secretary Sara Duterte.

“This will add teaching workforces in the schools,” Castro said. “Ito lamang po ay unang parte—16,000 teaching positions ay unang parte lamang po dahil ang target po ay 20,000 teaching positions,” ang sinabi ni Castro.

Aniya pa, ang hakbang ay sumasalamin sa commitment ni Pangulong Marcos na paghusayin ang ‘foundational education’ katulad ng agarang pag-aksyon ng Pangulo sa naging rekomendasyon ni Education Secretary Sonny Angara na bilisan ang pagpapalabas ng pondo para sa child development centers.

Samantala, tinitingnan din ng gobyerno na palawakin ang pagtatayo ng silid-aralan para ma-accommodate kapwa ang tumataas na populasyon ng mga estudyante at bagong manggagawa sa pagtuturo.

“Mas gugustuhin po rin natin na magkaroon po ng mas maraming classrooms para sa darating na pasukan (We would also prefer to have more classrooms for the upcoming school year,” ang sinabi pa ni Castro.

Samantala, ang inaprubahang bagong posisyon ay kinabibilangan ng 15,343 Teacher I posts, 157 Special Science Teachers, at 500 Special Education Teachers. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here