Manila, Philippines – Naniniwala ang mga kritiko ng all-female PPop group na BINI na naapektuhan ang kanilang kasikatan ng kotroberysang kinasangkutan ng apat na members nila.
Kumalat kasi sa social media ang video ng 3 nitong members kasama ang dalawang male stars.
Ang tinutukoy namin na tatlong BINI members ay sina Jhoanna Robles, Colet Vergara, at Stacey Sevilleja. Habang yung dalawang male stars ay sina Ethan David at Shawn Castro.
Sa mga ‘di nakakakilala kay Ethan, member siya ng P-pop boy group na GAT at kasali sa cast ng hit Viva One series na Ang Mutya ng Section E.
At ito namang si Shawn ay professional dancer at content creator.
Naglabas na pareho ang BINI at sina Ethan and Shawn ng kanilang public apology.
May kwento naman ang aming source sa video na kumalat tungkol sa 13-year old na tinutukoy sa video at kung sino si “Ashtine.”
Napanood kasi sa video na nakapwesto si Shawn sa likuran ni Ethan.
Umaarte si Shawn na sinasabutan si Ethan habang yumuyugyog ang gitnang bahagi ng katawan niya. In short, nagbibiruan sila na tila nagse-sex.
At habang ginagawa ito nina Ethan at Shawn ay makikita si Jhoanna, na nakaupo sa sofa at humahagikhik ng tawa.
Maririnig din na may nagsasalita na ang tsika ay si Stacey daw yun.
Say daw ni Stacey, “Ganyan ginagawa niya kay Ashtine… sinasabunutan.”
May isa pang babae na hindi naman kita sa video na duda ng netizens ay boses ni Colet. Sabi raw nu’ng Colet, “Oo, thirteen years old.”
Hindi malinaw kung sino ang tinutukoy na “Ashtine” sa video. Hindi rin malinaw kung kailan at saan kuha ang nasabing video.
According to our source, ‘di raw si “Ashtine” ang sinasabing “13-year old” na tinutukoy sa video. Maraming natizens kasi ang nag-assumed na si “Ashetine” yung minor, na diumano’y nakikioag-sex sa edad na 13.
Ang tinutukoy daw na “13 year old” na nakipag-sex ay mismong si Ethan.
Paglalahad pa ng aming source, edad 13 pa lang daw si Ethan ay nakipag-relasyon na siya sa nabaggit na “Ashtine” sa video.
That time, 18 years old na raw itong si “Ashtine” nu’ng maging boyfriend niya si Ethan at nakipag-live-in. Tumagal daw ang kanilang relasyon ng ilang taon.
Pagkatapos ng ilang taon ay naghiwalay din ang dalawa.
Umuwi raw ng Pilipinas ang ina ni Ethan mula sa Canada at ikinuha ng sariling condo unit ang anak.