MANILA, Philippines – Hindi pa makapagsalita si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte paglapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong umaga ng Marso 11, 2025.
Kasabay nito, nagpahayag ng kasiyahan sina dating Senador Leila De Lima at Senador Risa Hontiveros sa pag-aresto kay Duterte, hindi para sarili kundi para sa libu-libong napatay sa war on drugs sa pamamagitan ng Oplan Tokhang.
Sa pahayag, sinabi ni Cedie Dela Rosa, media relation officer ng tanggapan ng senador na hanggang ngayon habang isinusulat ang balitang ito, wala pang opisyal na pahayag ang mambabatas.
“Good afternoon, everyone. As of now, no official statement yuet from Sen. Bato. I will update poo if there are developments. Salamat,” ayon kay Cedie Dela Rosa.
Tulad ni Duterte, nahaharap din si Senador Dela Rosa sa kasong crimes against humanity bilang chief implementer ng Oplan Tokhang sa war on drugs bilang hepe datin ng Philippine National Police (PNP).
Kasabay nito, Inihayag namna ni De Lima na lubhang ikatutuwa ng pamilya ng biktima ng war on drugs ang pagka-aresto kay Duterte na kahit ipinakulong siya ng mahigit pitong taon sa gawa-gawang kaso ng droga.
“This is deeply personal for me. For almost seven years, I was imprisoned on fabricated charges, accused of crimes I did not commit—all because I dared to speak out against Duterte’s drug war. While I was behind bars, thousands of Filipinos were killed without justice, their families left to grieve with no answers, no accountability,” ayon kay De Lima.
Sinabi ni De Lima, dating justice secretary, na ngayon papanagutin ni Duterte, hindi para sa kanya, kundi sa biktima, sa kanilang pamilya, sa buong mundo na ayaw kalimutan ang war on drugs na kumitil ng mahigit 30,000 indibiduwal.
“Today, Duterte is being made to answer—not to me, but to the victims, to their families, to a world that refuses to forget. This is not about vengeance. This is about justice finally taking its course,” ayon kay De Lima.
“I faced my case, knowing I was innocent. I stood before the courts because I had nothing to hide. Duterte now has to answer for his actions, not in the court of public opinion, but before the rule of law. This is how justice should work—those in power must be held to the same standards as everyone else,’ paliwanag ng dating senador at tumatakbong nominado ng ML PartyList.
“To those who have fought this long and difficult fight—your voices mattered, your courage mattered, and today, the pursuit of justice continues,” patapos ni De Lima.
Sa kanyang bahagi, sinabi naman ni Hontiveros na “dumating na ang araw na hinihintay ng mga pamilya ng libo-libong Pilipino na napatay sa madugong “tokhang” ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.”
“Pinanghahawakan ko ang mga sinabi ni dating Pangulong Duterte, under oath, na haharapin niya ang kaso sa International Criminal Court. Sana, bilang abugado, siya ay sumunod sa mga proseso nito,” ayon kay Hontiveros.
Umaasa naman si Hontiveros na pangangatawan ng Palasyo ang pangakong salita at tumugon sa lahat ng kahilingan ng ICC sa pamamagitan ng Interpol, at tiyakin na umusad ang katarungan.
“The thousands of Filipinos killed during tokhang were not murdered by one man alone. Sana ay simula pa lang ito ng paghahabol sa lahat ng mga opisyal at kawani ng gobyerno na responsable sa pagpatay sa inosente o walang kalaban-laban,” ayon sa senadora. Ernie Reyes