Home NATIONWIDE Bato kay Lascañas vs Sara bilang ‘Tokhang Queen’: Maglabas ng ebidensya

Bato kay Lascañas vs Sara bilang ‘Tokhang Queen’: Maglabas ng ebidensya

MANILA, Philippines – Hinamon ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa si self-confessed former Davao Death Squad (DDS) hitman Arturo Lascañas na maglatag ng ebidensiya sa paratang nito laban kay Vice President Sara Duterte bilang “Reyna ng Tokhang” ang anti-drug operation noong nakaraang administrasyon.

Sa pahayag, sinabi ni Dela Rosa na kung talagang may matitibay na ebidensiya si Lascañas, dapat magsampa siya ng kaso sa korte.

Nitong Miyerkoles, isinabit ni Lascañas si Vice President Sara Duterte sa Oplan Tokhang na hinihinalang pumatay ng mahigit 20,000 indibiduwal tulad ng petty pusher at menor de edad sa inilunsad ng drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pahayag, sinabi ni Lascañas na si Dela Rosa ang nagsabisa kanya na lumikha siya ng bagong extra-judicial killing (EJK) campaign laban sa illegal drugs na naging Oplan Tokhang.

Ayon kay Dela Rosa, hindi ibinulgar dati ni Lascanas ang naturang istorya.

“Anyway, wala naman siyang katakutan at hindi na presidente si PRRD,” ayon kay Dela Rosa.

Kasalukuyang dinidinig ng International Criminal Court (ICC) ang kaso laban sa mag-amang Duterte at Dela Rosa hinggil sa crimes against humanity sa inilunsad na war on drugs. Ernie Reyes