Home ENTERTAINMENT Claudine, nagmaasim kay Angelu!

Claudine, nagmaasim kay Angelu!

Manila, Philippines – Isa si Claudine Barretto sa mga dumalo sa twin celebration ng mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Rojas.

Bale 20th wedding anniversary ng couple at 18th birthday ng kanilang eldest child na si Christophe.

Excited na rin pala si Claudine na magkaroon sila ng reunion project with Judy Ann Santos and Gladys together.

Nabanggit nga niya ito mismo sa harap ni Gladys.

“Sana matuloy na ang reunion natin nina Judy Ann!” sey ni Claudine.

Bigla namang naramdaman ni Gladys na tila may kulang sa casting, kaya inihabol niya ang pangalan ni Angelu de Leon.

“Hindi! Tayong tatlo lang!” paglilinaw ni Claudine.

Thinking she misheard it ay pinaulit daw ni Gladys ang sinabi ni Claudine.

Malinaw ngang singled out si Angelu.

It was until the press attendees sat with Claudine at tanungin nila ito kung bakit.

Does Claudine have a bone to pick with Angelu?

At doon na nga nagkuwento si Claudine what made her say that.

Noon daw kasing may isyu ang mga Barretto sisters ay nahingan ng opinyon si Angelu sa isang interview.

Ang kay Claudine daw, Angelu was in no position to voice her opinion.

She took it against Angelu pala.

Sayang at hindi nagpang-abot ang dalawa as Angelu already left the party when Claudine arrived.

Ano nga kaya ang nangyari kung nagkita sila?

Nakatikim kaya si Angelu ng panunumbat o masasakit na salita mula kay Claudine?

Knowing Angelu, iisipin na lang niya that it would be unbecoming of a Pasig City Councilor to trade barbs with anyone bilang respeto na rin sa okasyon. Ronnie Carrasco III