Home ENTERTAINMENT Bong at Lani, lolo’t lola na naman!

Bong at Lani, lolo’t lola na naman!

Manila, Philippines – May apo na namang muli ang mag-asawang Senator Bong Revilla at Bacoor Representative Lani Mercado.

At presstime, wala pang pangalan ang kanilang apo sa anak na si Jolo Revilla.

Jolo’s wife Angelica Alita gave birth to a healthy, bouncy baby girl this January 31.

Ito ang panganay na supling nina Jolo at Angelica.

Jolo is a previous dad to Gabriel, anak niya kay Grace Adriano who’s the daughter of Rosanna Roces.

Bale balae ni Osang sina Bong at Lani.

Moments before giving birth, may kuha si Angelica na naka-hospital gown.

Excited na post ni Jolo: “She’s coming!”

Pagkapanganak, makikitang nasa dibdib na ni Angelica ang newborn baby as Jolo looked on with a smile on his face.

Post ni Jolo: “Today is a special day for us. We’re announcing the birth of our beautiful, healthy baby girl!”

Nagpasalamat din si Jolo sa mga nagdasal para matagumpay na maisilang ng kanyang misis ang kanilang panganay.

Despite mothered by a different woman, Angelica treats Gabriel (nicknamed Gabby) like her own.

Wala pang detalye kung ano ang ipapangalan nina Jolo at Angelica sa kanilang anak at kung kailan itatakda ang binyag dito.

The couple also has yet to share on social media what their child looks like para malaman kung anong facial features ang nakuha nito from either parent. Ronnie Carrasco III

Previous article3 sugatan sa sunog sa Caloocan
Next articleClaudine, nagmaasim kay Angelu!